Witnesses: Bubong Na Ginamit Sa UPLB Graduation, Gawa Sa 3D Printer

collage_20150704180533127
Photos from Facebook – Mary Grace Leidia/Kino Sangueza

Kamangha-mangha ang pagtatayo ng University of the Philippines Los Banos administration ng istrukturang masisilungan ng mga magsisipagtapos isang gabi na lamang bago ang graduation ng Class of 2015.

Ngunit kagimbal-gimbal rin ang eksena matapos bumigay ang nasabing bubong ilang oras na lamang ang natitira bago magmartsa ang mga graduates.

Ayon sa ilang saksi na nasa pangyayari habang ginagawa ang mismong masisilungan, gawa lamang sa 3D Printer ang nasabing istruktura.

Ang materyal na ginagamit sa mga 3D Printer ay isang uri ng plastic filament na halos pareho lamang sa ginagamit sa lego ngunit hindi gaanong impresibo ang tatag kumpara sa aircraft aluminum o steel.

Gumamit sila ng mga 3D Printer at pinagkabit-kabit lang ang mga piyesa na pinagmukhang bakal,” ani ng isang nakasaksi sa “behind-the-scenes” ng pagtatayo ng bubong. Dagdag pa niya, tinapalan lang ng silver coating ang mga pundasyon ng bubong upang magmukhang bakal ang hitsura.

“Sobrang gaang po ng plastic na ginagamit sa 3D Printer. At dahil mas mabigat ang tarpaulin na materyal ng bubong, it was only a matter of time before gumuho siya dahil may gravity. Hehe.”

Sa buong daigdig, sumisikat na ang 3D Printer at mainam itong gamitin para sa mga maliliit na bagay o konsepto na gustong bigyang buhay ng mga tao.

Pero para maging bubong sa Commencement Exercises ng libong Iskolar? Hmmm not so good.

“Para po yang mga kaibigan na plastik. Hindi nagtatagal,” dagdag pa ng isang testigo. – [P!]

Advertisements