A Very Friendly DISCLAIMER

Guys, PUTANGINA naman.

Paano magiging related ang page na ito (UPLB Peerspective – READ: Dalawa yung E after ng P) sa UPLB Perspective (The official publication of the university)? Ha? Ha?

Official publication ‘yon. May iniingatang pangalan. Legit. Bakit sila magpopost ng kagaguhan?

PUTANGINA.

UP STUDENT KA. WAG KANG BOBO.

COMMON SENSE.

PAKIBASA YUNG “ABOUT US” SECTION NG WEBSITE NA ITO.

SMH.

S.

M.

H.

[P!]

Advertisements

Mura, Masarap, Ma…: Ang 3 Ms ng Sulyaw

sulyaw-3Ms-uplb-peerspective
Photo from kainlb.blogspot.com

Wala kang klase. Gutom ka na. Naglalakad ka sa Grove.

Saan pa nga ba masarap kumain kundi doon sa mura na, masarap pa. Naghahanap ka ng makakainan pero nagtitipid ka rin para makaipon ng pera para sa iyong nililigawan.

Papasok ka sa Sulyaw, isa sa mga kilalang kainan sa labas ng UP Los Banos. Maaliwalas ang paligid, hindi masyadong mainit. May LED TV pa! Sa isang gilid naman nakapaskil ang iba’t ibang larawan ng mga minsan nang napadaan sa Sulyaw. Tanggalin mo lang siguro yung dalawang ilaw, parang beerhouse na yung dilim este liwanag.

Hindi naman ito ang pinaka-sosyal na makakainan sa Elbi, pero bakit nga ba patok na patok ang Sulyaw sa lahat ng taga-roon?

Narito ang tatlong “M” na best magde-describe sa Sulyaw, ayon sa mga palaging kumakain rito.

1. Mura

Libreng sabaw, 2 pc. lumpiang shanghai, at kanin for less than 20 pesos. San ka pa, di ba? Sa Sulyaw ka na. Kung ikukumpara sa iba pang mga kainan, tiyak na mas makakamura at makakatipid ka sa Sulyaw. Mapapamura ka din!

2. Masarap

Iba’t iba pa ang ulam rito kagaya ng barbecue, fried chicken, pasta, at gulay. May mga dessert pa kagaya ng gelatin o minsan kapag sineswerte ka, may mga cake pa.

Salmonella-Sulyaw

3. Marumi (ASDFGHJKL! T@n&i#%!)

Napagalaman sa isang masusing pagsusuri na ang unlimited iced tea (na binebenta sa napakamurang halaga na P10) ay naglalaman ng tatlong klase ng bacteria. Hindi na namin sasabihin kung anu-ano ang mga ito. Basta, Tatlo sila.

Ayon rin sa isangĀ source namin na ayaw magpakilala, minsan na siyang kumain sa Sulyaw. Umorder siya ng kanin at laking gulat niya na may libreng itlog – itlog ng ipis!

May isa pang nakapagsabi na ang mga nagtitimpla ng iced tea ay unhygienic. Tagaktak ang pawis nung isa, yung isa naman naka-topless! Yikes.

O, ngayon alam mo na kung saan kakain. – [P!]