UPLB Student, Hirap Mag-Thesis Matapos Maputukan sa Bisperas ng Bagong Taon

20151231_170846

Lubos ang pagsisisi ng isang graduating UPLB student matapos maputukan ang kanang kamay Huwebes ng gabi, bisperas ng bagong taon.

Nagkakatuwaan lamang ang mag-aaral ng Biology na si Darwin, hindi niya totoong pangalan, kasama ang kaniyang mga kaibigan nang mangyari ang hindi inaasahang aksidente.

Bitbit-bitbit ni Darwin ang paputok na triangle nang subukang i-prank ang kaibigan. Ani Darwin, sinindihan niya ang lighter malapit sa paputok upang takutin ang kasama, ngunit hindi alam ni Darwin na nasindihan na pala niya ng tuluyan ang dalang paputok.

Duguan si Darwin nang isugod sa malapit na ospital. Malala ang natamong sugat ng mag-aaral, at dahil nagthe-thesis ito, sinasabi niyang mas mahihirapan siyang kumilos.

“Ang dami ko pa pong dapat i-sulat ngunit dahil nga dito, masakit, hindi ko maigalaw. Mahihirapan ako mag-type sa computer or maski humawak ng mouse,” ani Darwin.

Bukod kay Darwin, lima pang kaso ng firecracker-related injuries ang naitala sa bayan ng Los Banos base sa pinakahuling balita.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s